Hey!
Iba Talaga

This is a song i made cause of Filipino Class. We (our group) never performed this so only they know about this song. It’s the first Filipino Song i’ve written after maybe 4 years or so. I’d just like to share it.

Iba Talaga

 

Diba iba talaga?

(‘pag inlab)

 

Sa tuwing ikaw ay dadaan

Di ko, di ko mapigil-pigilan

Na hindi lumingon at tumingin pa doon

Parang nawawala sa daloy ng panahon

 

Diba iba talaga?

(‘pag inlab)

 

Sa tuwing aking naririnig

Ang iyong boses na napakatamis

Tila ako ay nagsasoundtrip

Sa mga kanta ni Taylor Swift

 

Diba iba talaga?

(‘pag inlab)

 

May nahulog bang bituin

At napunta sa mga mata mo ang ningning

Bumabagay pa iyan sa iyong ngiti

Napakaganda, biyaya mula sa langit

 

Diba iba talaga?

(‘pag inlab)

 

Saklolo! May pulis ba dito?

Dahil may nagnakaw ng puso ko

Medyo matangkad hanggang sa isip ko

Medyo bilog din parang ang aking mundo

 

Diba iba talaga?

(‘pag inlab)

 

At kahit gusto ko pa aminin na gusto kita

Di ko magawa, di makapagsalita

Kaya’t sa awitin ko nalang idaraan

Iba talaga ang inlab ang nararamdaman

 

Diba iba talaga?

(‘pag inlab)